Mga Online na User: 2
top

Mga tuntunin sa trapiko para sa mga drayber

Pagkakasalubungan at pag-overtake


 

Pagkakasalubungan

Ang mga drayber na nakakasalubong ang ibang mga sasakyan, ay dapat manatili sa kanan ng kalsada. Dapat ay ipanatili ang nararapat na distansya sa tabi sa pagitan ng mga sasakyan at dapat maipakita rin ang lubos na pag-iingat sa mga gumagamit ng kalsada na nasa kanan ng daan. Kung ang kalsada ay bahagyang may harang, ang sasakyan kung saan may harang ang kaniyang panig ng lane ay dapat na, kung kinakailangan, huminto at pahintulutan ang mga sasakyan na nakakasalubong na makaraan.

Kapag nakakasalubong ang mga sasakyan na ginagamit para sa pag-aayos ng kalsada, ang drayber ay dapat na mag-ingat sa isang paraan na pinaka-angkop para sa situwasyon.

Pag-overtake

Ang pag-overtake ay dapat gawin sa kaliwa. Gayunman, ang pag-overtake ay dapat gawin sa kanan ng sasakyan kung ang drayber ay lumiliko sa kaliwa o malinaw na naghahandang lumiko. Ang mga siklista at drayber ng malilit na moped ay maaaring mag-overtake sa ibang uri ng mga sasakyan sa kanan.

Bukod dito, ang pag-overtake habang nag-iingat sa pagmamaneho ay nagaganap sa kanan ng mga light rail na sasakyan, kung ang light rail na sasakyan ay hindi humaharang sa kakayahan matanaw ang dinadaanan hanggang sa punto na ang pag-overtake ay hindi magagawa dahil maaari itong maging sanhi ng panganib o sagabal sa iba.

Dapat siguraduhin ng mga drayber na nais mag-overtake na ito ay magagawa nang hindi nagdudulot ng panganib sa iba, kasama na lalo dito:

  1. na ang kalsada kung saan nag-o-overtake ay walang nakakasalubong na trapiko sa isang mahabang tatahakin na kalsada at walang iba pang mga balakid sa pag-overtake,
  2. na ang drayber sa unahan ay hindi nagpapakita ng hudyat ng pag-o-overtake sa ibang sasakyan,
  3. na ang sasakyan na galing sa likod mo ay hindi nagsimula sa pag-overtake nito, at
  4. maliban na lang sa mga kaso na may nag-o-overtake sa isang lane na ipinagbabawal ang paparating na trapiko, ang drayber ng sasakyan ay dapat bumalik sa likas na direksyon ng daloy ng trapiko makalipas na mag-overtake.

Ang nag-o-overtake na sasakyan ay dapat maglaan ng sapat na distansya mula sa panig na pumapagitan sa kaniyang sasakyan at ang sasakyan o light rail na sasakyan na ino-overtake. Kung maganap sa kaliwa ang pag-overtake, ang sasakyan na nag-o-overtake ay dapat manatili sa kanan sa sandaling posible na itong gawin, nang hindi nagdudulot ng panganib o sagabal sa iba. Gayunman, hindi kailangan ibalik sa dating lane na nasa kanan ang sasakyan kung ang nag-o-overtake na sasakyan, makalipas itong mag-overtake, ay nilalayon na agad na mag-overtake ng isa pang sasakyan at ang mga kondisyon naman sa pag-overtake ay nasusundan.

Ang mga sasakyan na ginagamit para sa mga gawain sa kalsada, nang may lubos na pag-iingat, ay maaaring i-overtake sa isang paraan na pinaka-naaangkop.


Kapag ang isang drayber sa harap ay nagkamalay na ang sasakyan sa likod nito ay mag-o-overtake sa kaliwa, ang nasabing sasakyan ay dapat manatili sa pinaka-kanan hangga’t maaari at hindi maaaring pabilisin ang tulin.

Kung ang isang sasakyan ay umaandar nang mabagal o malaking espasyo masyado ang okupado nito, at ang kalsada ay kumikitid o paliko-liko, o may makakasalubong na trapiko, dapat na mag-ingat ang drayber sa trapikong mula sa likod nito. Kung mas mapapadali ang pag-overtake nito, dapat bawasan ng drayber ang tulin nito at, kung kinakailangan, imaneho ang sasakyan patungo sa tabi sa sandaling posible na itong gawin at marahil ay ganap rin na ihinto ang sasakyan.

Hindi puwedeng mag-overtake

Hindi pinapahintulutan ang pag-overtake:

  1. agad sa unahan o sa isang junction, maliban na lang kung:
    a) ang mga sasakyan ay naka-posisyon sa mga lane na naka-reserba sa trapiko sa parehong direksyon, basahin ang Section 16 item 1,
    b) ang pag-overtake ay dapat gawin sa kanan nang isinasaalang-alang ang mga sasakyan na lumiliko sa kaliwa,
    c) ang trapiko sa junction ay pinamamahalaan ng pulis o gamit ang traffic lights, o
    d) ang trapiko sa tumatawid na kalsada ay may ganap na tungkulin na magbigay daan alinsunod sa Section 26,
  2. agad sa unahan o sa isang krosing ng riles, o
  3. kapag ang kakayahang makita nang malinaw ang kalsada sa unahan o sa isang bundok o sa isang likuan sa kalye ay limitado, maliban na lang kung ang daanan sa direksyon ng dinadaanan ay mayroong hindi mas kakaunti sa dalawang lane kung saan hindi pinapahintulutan ang papasalubong na trapiko.

Hindi ipapataw ang pagbabawal na ito sa pag-overtake ng mga bisikleta at maliliit na two-wheeled na moped.


Hindi Puwedeng Mag-overtake

Hindi ipapataw ang pagbabawal sa pag-overtake ng mga bisikleta at maliliit na two-wheeled na moped. Hindi ipapataw ang paglalabag sa pag-overtake ng mga sasakyan na lumalabas sa kalsada. Ipinapataw ang paglalabag nang hindi isinasaalang-alang ang regulasyon sa Section 16, item 2, hangga’t pawalang bisa ito sa pamamagiatn ng karatula ng di pagpapatuloy o indikasyon ng distansya sa plate na nasa ilalim ng karatula. Ang plate sa ibabaw ng karatula ay maaaring magpahiwatig nang eksakto kung aling takdang panahon ipinapata ang paglalabag.

Maghanda para sa theory test

Mga online theory test

Ikaw ay magkakaroon ng mga access sa higit sa 1,000 opsyon ng multiple choice. Ang aming mga theory test ay sinubukan sa higit sa 140 mga estudyante bago namin ito inilunsad. Ang lahat ay pumasa sa unang pagsubok.

Ang pag-overtake at paglalampas sa isang pedestrian crossing

Ang mga drayber na papalapit sa isang pedestrian crossing ay hindi maaaring mag-overtake o magmaneho nang lampas sa iba pang sasakyan kung ang sasakyan na ito ay humahadlang sa malinaw na pagtanaw sa pedestrian crossing.


Ang paglalampas at pagbabago ng lane habang matindi ang trapiko

Kung matindi ang trapiko at ito ay marahang gumagalaw sa iba't ibang mga lane na may tulin na pinagpapasyahan ng sasakyan na nasa unahan, hindi ito makokonsidera na pag-overtake kung ang sasakyan sa isang lane ay lumampas sa sasakyan sa kabilang lane. Kung ganito ang naging situwasyon, ang pagbabago ng lane ay hindi pinahihintulutan maliban na lang kung hinihiling ayon sa Section 16, item 1, Section 17, item 1, Section 18, mga item 3-5 o ito ay nagaganap para pumarada o huminto.

Kung ang isang sasakayn ay nasa isang lane na kung saan, sa pamamagitan ng pagmamarka ay nakareserba sa ilang uri ng trapiko, ay lumampas sa isang sasakyan sa kabilang lane na hindi nakareserba sa nasabing uri ng trapiko, o nalampasan ito, ito ay hindi makokonsidera bilang pag-overtake.


Mga Seksyon

Section16 at Section 17. Pagliko, atbp.

Section 16. Sa ganoong mga pangyayari, kung saan ang kalsada ay may dalawa o higit pang mga lane na nakarerba para sa trapiko sa parehong direksyon, dapat iposisyon ng drayber ang kaniyang sasakyan sa pinaka-kanan na lane sa tamang oras kung siya ay kakanan at sa pinakadulong kaliwa ng lane kung siya ay liliko sa kaliwa. Maaari naman iposisyon ng drayber na magmamaneho nang deretso ang kaniyang sasakyan sa lane na kung saan, habang ikinokonsidera ang iba pang mga sasakyan at ang patuloy na pagmamaneho, ang pinaka-naaangkop.

Section 17. Ang section 16, mga item 1-3 ay ginagamit rin sa pagmamaneho nang patawid o palayo mula sa roadway sa labas ng junction.

Section 18. Pag-iikot, pagpapaatras at pagbabago ng mga lane, atbp.

Item 3. Sa acceleration lane (lane kung saan makakapagpatakbo nang mabilis), kailangang i-angkop ng drayber ang tulin ayon sa trapiko sa lane, na dapat gamitin habang patuloy na nagmamaneho at umalis sa acceleration lane kung ito ay magagawa nang hindi nagdudulot ng peligro o di kinakailangang sagabal sa iba. Ang mga drayber sa lane na papasukan ng sasakyan sa accelaration lane ay dapat, kung kinakailangan, mapadali ang paglalabas mula sa acceleration lane sa pamamagitan ng pagbabawas ng tulin.

Item 5. Ang deceleration lane (Lane kung saan mapapabagal ang takbo) ay dapat gamitin agad sa umpisa ng lane. Ang parehong tuntunin sa mga lane na naka-reserba para sa ilang uri ng trapiko, at pati na rin ang mga lane na ginagamit sa pagliliko.