Mga Online na User: 1
top

Mga regulasyon sa traioko

Tulin


 

Ordinaryong mga tuntunin

Ang tulin ng sasakyan ay parating dapat i-angkop sa mga kondisyon na may partikular na konsiderasyon sa kaligtasan ng iba. Sa paggagawa nito, kailangan ikonsidera ng drayber ang mga kondisyon ng kalsada, kalagayan ng panahon at malinaw na pagtatanaw sa dinadaanan, ang kondisyon ng sasakyan at kargada at pati na rin ang pangkalahatang mga kondisyon ng trapiko. Dapat may ganap na kontrol ang drayber sa sasakyan at ang tulin ay hindi maaaring mas mabilis kaysa sa kayang kontrolin ng drayber. Kailangan na posibleng huminto sa ikahahaba ng kalsada sa harapan ng sasakyan kung saan ang drayber ay may pananaw sa kalsada at sa unahan ng anumang hadlang na maaaring maasahan. Kapag nagpapalit ng headlights mula full-beam at para maging low-beam, ang tulin bago palitan ang uri ng pailaw ay dapat ayusin nang naaayon sa kondisyon ng tanawin ng kalsada.

Dapat ipanatili ng drayber ang isang naaangkop na mabagal na tulin bilang kaugnayan sa mga kondisyon:

  1. sa mga lugar na maraming gusali,
  2. kapag ang tanawin sa kalsada ay nabawasan sanhi ng mga kondisyon ng pailaw o lagay ng panahon,
  3. sa mga junction at mga kurba sa kalsada,
  4. sa harapan ng isang pedestrian crossing,
  5. sa itaas ng isang tuktok ng bundok o iba pang lugar kung saan limitado ang malawakang pananaw,
  6. na may peligro ng masilaw,
  7. kapag nakasalubong ng iba pang sasakyan sa makipot na kalsada,
  8. sa basa, madulas o ma-langis na kalsada,
  9. kung saan ang isang sasakyan ay papalapit sa isang bus o light rail na sasakyan na huminto para magsakay o magbaba ng mga pasahero,
  10. kung saan ang sasakyan ay papalapit sa mga bata sa daan mismo o sa tabi nito,
  11. kung saan ang sasakyan ay papalapit sa kabayo o baka sa daan mismo o sa tabi nito,
  12. kung saan may kasalukuyang ginagawang pag-aayos sa kalsada, at
  13. lumampas sa isang lugar na may aksidente sa kalsada.

Hindi maiiwasan ng mga drayber ang normal na pagmamaneho ng iba pang mga drayber nang walang makatuwirang batayan sa pamamagitan ng pagmamaneho sa sobra-sobrang bagal o biglaang pagpreno.

Sa hindi magagandang kondisyon ng kalsada, dapat i-angkop ng drayber ang tulin para hangga't maaari, hindi matalsikan ng dumi o tubig ang ibang nasa kalsada.

Pangkalahatang mga limitasyon sa tulin

Sa iba pang mga kalsada maliban sa mga motorway at carriageway, ang tulin ng sasakyan ay di maaaring humigit sa mga sumusunod na limitasyon:

  1. sa mga lugar na maraming gusali: 50 km kada oras,
  2. sa labas ng mga lugar na maraming gusali: 80 km kada oras.

Sa mga motorway, ang tulin ay hindi maaaring humigit sa 130 km kada oras.

Sa mga carriageway, ang tulin ay hindi maaaring humigit sa 80 km kada oras.

Sa kahabaan ng kalsada, ang mas mataas na limitasyon sa tulin kaysa sa karaniwang limitasyon sa tulin ay matatakda kung ang mga pangyayari, kasama na ang daloy ng trapiko, ang nag-uutos kung paano ito dapat at hindi kinakailangan ang konsiderasyon sa kritikal na kaligtasan ng trapiko. Gayunman, sa mga carriageway at motorway, ang tulin ay di maaaring humigit sa 100 km kada oras at 130 km kada oras.

Sa kahabaan ng kalsada kung saan wala itong responsibilidado nais na pahintulutan ang pagmamaneho na may mga tulin na naaayon sa pangkalahatan limitasyon sa tulin, maaaring magtakda ng mas mababang limitasyon. Sa mga lugar na maraming gusali, ang mas mababang limitasyon ng tulin para sa mas limitadong lugar ay maitatakda sa kaparehong paraan.


Dense built-up area (Lugar na maraming gusali)

Ipinapahiwatig ng karatula ang lugar kung saan ipinapataw ang mga tuntunin ng Road Traffic Act para sa lugar lubos na maraming mga gusali. Ang heograpikong pangalan ng bayan ng lugar ay maaaring tiyakin sa wikang Danish at pati na rin sa wikang Ingles o sa opisyal na wika ng kalapit na bansa. Ang karatula ay magagawa bilang isang plate at maaari rin makabit bilang isang plate sa ilalim ng karatula, ang C 56 End of local speed limit (Katapusan ng lokal na limitasyon sa tulin).


Lokal na limitasyon sa tulin

Lokal na limitasyon sa tulin. Ang karatula ay nagtatakda ng lokal na limitasyon sa tulin para sa ihahaba ng aktuwal na kalsada, basahin ang Road Traffic Act, Section 42. Ipinapataw ang limitasyon sa tulin nang hindi isinasaalang-alang ang regulasyon sa Section 16, item 2, hangga’t pawalang bisa gamit ang karatula ng di pagpapatuloy o gamit ang indikasyon ng distansya ng iba pang limitasyon sa tulin sa plate na nasa ibaba ng karatula. Sa pamamagitan ng indiikasyon ng timbang sa plate sa ibaba ng karatula, ang limitasyon sa tulin ay maaaring limitahan lang sa mga sasakyan, kasama na iyong mga may kakabit o pinagsamang mga sasakyan, kung ang total na pinahihintulutan na timbang ay humigit sa nakasaad dito.


Pinakamabagal na tulin

Ang kautusan ay ipinapataw sa mga drayber maliban sa mga siklista at drayber ng mga maliliit na moped. Ito ay ipinapataw hangga’t huminto sa pamamagitan ng isang D 56 na karatula o may indikasyon ng distansya sa plate na nasa ibaba ng karatula.


Lugar na dapat magbagal

Ipinapahiwatig ng karatula ang isang lugar kung saan ang kalsada ay gawa isang paraan na hindi ito angkop na andaran ng sasakyan na mas matulin kaysa sa nakasaad.


Indikasyon ng tulin

Ang plate sa ilalim ng karatula ay nagpapahiwatig ng tulin kung saan ang kurba o mga kurba ay maaaring daanan sa ilalim ng mga normal na kondisyon.

Maghanda para sa theory test

Mga online theory test

Ikaw ay magkakaroon ng mga access sa higit sa 1,000 opsyon ng multiple choice. Ang aming mga theory test ay sinubukan sa higit sa 140 mga estudyante bago namin ito inilunsad. Ang lahat ay pumasa sa unang pagsubok.

Tulin para sa mga espesyal na uri ng sasakyan

Section 43. Para sa mga bus, ang gross weight na higit sa 3,500 kg, ang tulin ay hindi maaaring humigit sa 80 km kada oras na walang pagsasaalang-alang sa Section 42. Para sa mga bus na sumusunod sa mga kondisyong itinakda ayon sa item 10, ang tulin sa motorway ay hindi maaaring humigit sa 100 km kada oras.

Item 2. Para sa iba pang mga kotse, ang pinapahintulutan na gross weight na lumampas sa 3,500 kg (mga karwahe) at para sa mga pinagsamang sasakyan na binubuo ng isang karwahe o bus, ang pinapahintulutang gross weight na humigit sa 3,500 kg at isang kailangang irehistrong trailer, ang tulin sa ibang mga kalsada ay hindi kailanman dapat humigit sa 80 km kada oras anuman ang nakasaad sa Section 42.

Item 3. Para sa mga kotse na may pinahihintulutang gross weight na higit sa 3,500 kg, ang tulin sa iba pang mga kalsada maliban sa mga motorway, nang hindi isinasaalang-alang ang Section 42, ay di maaaring humigit sa 70 km kada oras kung ang isang trailer, semi-trailer o kailangang irehistro na kagamitan sa pag-tow, kasama na ang caravan, ay nakakabit. Ang parehong tuntunin ay ipapataw sa mga motorsiklo kung ang isang trailer ay nakakabit o isang kailangang ireshitrong kagamitan sa pag-tow. Para sa mga kotse na sumusunod sa mga kondisyong itinakda ayon sa item 11, ang tulin sa iba pang mga kalsada bukod para sa motorway ay hindi maaaring humigit sa 80 km kada oras.

Item 4. Para sa mga sasakyan na binanggit sa ilalim ng mga item 2 at 3, ang tulin sa motorway ay di maaaring humigit sa 80 km kada oras nang hindi isinasaalang-alang ang Section 42. Para sa mga kotse na kasama sa ilalim ng item 3, na sumusunod sa mga kondisyong itinakda ayon sa item 11, ang tulin sa motorway ay hindi maaaring humigit sa 100 km kada oras.

Item 5. Para sa mga kotse at motorsiklo na di nakakabit sa mga di kinakailangang irehistro ang kagamitan sa pag-tow at para sa mga traktora at makinarya, ang tulin ay di maaaring humigit sa 30 km kada oras anuman ang nakasaad sa Section 42. Para sa naaprubahan at nakarehistrong mga traktora at makinarya, at pati na rin ang mga pinagsamang sasakyan na binubuo ng isang naaprubahan o nakarehistrong traktora o naaprubahan o nakarehistrong makinarya ay nakakabit sa isang naaprubahan o nakarehistrong kagamitan na pang-town, kung saan ay nakakasunod ito sa mga kondisyong itinakda ayon sa item 12, ang tulin ay di maaaring humigit sa 40 km kada oras.

Item 6. Para sa mga de motor na sasakyan o mga sasakyan pinagsama kung saan ang isa o higit pang mga pares ng gulong ay may solidong takip sa gulong, ang tulin ay di maaaring humigit sa 15 km kada oras anuman ang nakasaad sa Section 42.

Item 7. Sa rehistrasyon o aprubasyon ng isang de motor na sasakyan, may espesyal na pinababang limitasyon sa tulin na maitatakda kung ang konstruksyon ng sasakyan ay dahilan kung bakit kinakailangan ito.

Item 8. Maaaring magtakda ang Minister of Transport, kung kinakailangan ito ayon sa mga kondisyon, ng mas mataas na limitasyon sa tulin kung ikukumpara doon sa mga binanggit sa ilalim ng mga item 1-5, na naaangkop sa mga espesyal na uri ng sasakyan kung ang kaligtasan ng trapiko o sa teknikal na mga kadahilanan ng sasakyan ay di naman ito kinakailangan.

Item 9. Anuman ang mga regulasyon sa ilalim ng item 4, ang Danish Minister of Transport ay maaaring magpasa sa pagpapatupad ng mga pagsusubok na may mas mabilis na tulin sa mga motorway para sa mga sasakyan na binanggit sa ilalim ng mga item 2 at 3.

Item 10. Maaari rin magtakda ng mga tuntunin ang Danish Minister of Transport kung saan ang mga kondisyon ay dapat matugunan para maaaring maimaneho ang isang bus ng hanggang 100 km kada oras, sumangguni sa mga item 1, point 2.

Item 11. Maaaring itakda ng Danish Minister of Transport ang mga tuntunin na kung saan ay kailangang sundin ang mga kondisyon para ang mga kotse na may pinahintulutang gross weight na hindi hihigit sa 3,500 kg na nakakabit sa isang trailer, semi-trailer o kailangang irehistrong kagamitan na pang-town, kasama na ang caravan, ay maaaring imaneho nang hanggang 100 km kada oras sa mga motorway at hanggang 80 km kada oras sa iba pang mga kalsada bukod pa sa mga motorway, basahin ang item 4, point 2 at item 3, point 3.

Item 12. Ang Danish Minister of Transport ay maaaring magtakda ng mga tuntunin kung saan ang mga kondisyon ay dapat sundin para ang mga naaprubahan o ang mga nakarehistrong traktora at makinarya, at pati na rin ang mga pinagsamang sasakyan na binubuo ng isang inaprubahan o nakarehistrong traktora o isang naaprubahan o nakarehistrong makinarya na nakakabit sa isang naaprubahan o nakarehistrong kagamitan na pang-tow ay maaaring magmaneho nang hanggang 40 km kada oras, basahin ang item 5, point 2.

Section 43a. Para sa malalaking mga moped, ang tulin ay di kailanman dapat humigit sa 45 km kada oras anuman ang nakasaad sa Section 42. Para sa maliliit na mga moped, ang tulin ay di kailanman dapat humigit sa 30 km kada oras anuman ang nakasaad sa Section 42.

Section 43 b. Ang tulin para sa mga light rail na sasakyan ay di maaaring humigit sa limitasyon sa tulin para sa mga bus, basahin ang Section 42 at Section 43, mga item 1 at 10.

Item 2. Para sa kahabaan ng kalsada kung saan ang mga light rail na sasakyan at de motor na sasakyan ay minamaneho at kung saan ang mga light rail na sasakyan ay minamaneho nang hiwalay sa iba pang traioko, maaaring magtakda ng mas mabilis na limitasyon sa tulin kaysa sa mga pangkalahatang limitasyon sa tulin para sa mga light rail na sasakyan kung hindi ito kinakailangan sa mga kondisyon sa kritikal na trapiko.