Mga Online na User: 5
top

Mga tuntunin sa trapiko para sa mga drayber

Tungkulin na magbigay daan


 

Absolute duty to give way (Ganap na tungkuling magbigay daan)

Magbigay daan sa lahat ng trapiko mula sa kanan at kaliwa:

  • Labasan mula sa paradahan
  • Labasan mula sa ari-arian o lupain
  • Labasan mula sa gasolinahan o katulad pang lugar.
  • Labasan mula sa isang kitang-kitang sekundaryang kalsada, hal. yari sa grabang kalsada, riles o katulad ng mga ito.
  • Labasan mula sa isang kalsada na tumatawid sa iba pang kalsada, daanan ng bisikleta o gilid, kung saan ang gilid ay malinaw na mas mataas kaysa sa kalsada.

Tungkulin na magbigay daan sa kanan

  • Magbigay daan sa lahat ng mga sasakyan na galing sa kanan at tiyakin na ang mga gumagamit ng kalsada na galing sa kaliwa ay maaari at dapat magbigay daan.
  • Ikaw ay may tungkuling magbigay daan sa kanan kung walang iba pang nakalagay na karatula o iba pang mga marka.

Pangkalahatan

Dapat ang partikular na pag-iingat ng mga drayber sa mga junction.

Kapag nagmamaneho papasok o patawid sa kalsada, ang drayber ay may tungkulin na magbigay daan sa trapiko na galing sa dalawang panig (ganap na tungkuling magbigay daan) kung ito ay ipinapakita gamit ang mga marka sa kalsada ayon sa Section 95 (basahin sa ibaba).

Ang ganap na tungkulin na magbigay daan ay ginagamit rin kapag lumalabas mula sa paradagan, ari-arian o lupain, gasolinahan o iba pang katulad na lugar sa labas ng kalsada, mula sa isang daanan, kalye ng pedestrian, dirt road o katulad nito at may anumang uri ng labasan mula sa mga kalye na tumatawid sa iba pang kalsada, cycle track o shoulder, na mas mataas kaysa sa kalsada, patungo sa pinapasukang daan. Ang mga siklista at moped na drayber na sumasakay o nagmamaneho papasok o para tumawid sa isang kalsada mula sa daanan ng bisikleta, at pati na rin ang mga siklista o drayber ng moped na lumiliko mula sa daanan ng bisikleta papunta sa roadway, ay may ganap rin na tungkuling magbigay daan.

Sa ibang pagkakataon naman, kapag ang mga drayber ay nagmamaneho sa isang paraan na ang kanilang mga direksyon sa pag-andar ay pasikot-sikot sa iba pang mga sasakyan, ang drayber ng sasakyan kung saan may katabing sasakyan sa kaniyang kanan ay may tungkuling magbigay daan (tungkulin na magbigay daan sa kanan), maliban na lang kung iba ang nakasaad sa Section 18 (basahin sa ibaba).

Ang mga drayber na may tungkuling magbigay daan ay dapat magbawas ng tulin o huminto sa maayos na paraan at sa oras at alamin na gagampanan nila ang kanilang tungkulin na magbigay daan. Maaari lang magpatuloy sa pagmamaneho kapag, nang isinasaalang-alang ang posisyon ng iba pang mga sasakyan sa kalsada, ang distansya ng mga ito at ang mga tulin nito, maaaring magmaneho nang hindi nagdudulot ng peligro o sagabal.

Ang mga drayber ay hindi maaaring lumiko sa kaliwa nang hindi nagiging sagabal sa paparating na mga sasakyan. Kapag lumiliko sa kanan, ang drayber ay hindi dapat maging isang sagabal sa mga siklista at mga drayber ng moped na patuloy sa pag-andar nang paderetso. Kung ang daanan ng bisikleta ay nakapuwesto nang konektado sa kalsada, kung saan pinapahintulutan ang trapiko na galing sa parehong direksyon (two-way na cycle track), ang drayber ay di maaaring kumaliwa bago nito at sinisigurado na hindi nagiging sagabal sa mga siklista at mga drayber ng moped na dumederetso. Parehong tuntunin din ang dapat sundin sa pagliko sa kanan sa mga paparating na siklista at mga drayber ng moped. Katulad rin nito, ginagamit ang mga tuntunin sa pagmamaneho nang patawid o palayo mula sa roadway papalabas ng junction.

Ang mga draybe na papalapit o papasok sa isang junction, ay dapat na magmaneho nang hindi nagiging sagabal sa trapiko sa tumatawid na daan, kung ang taong nagmamaneho ay napilitang huminto sa junction. Sa mga junction kung saan may regulasyon sa trapiko sa pamamagitan ng mga traffic light, hindi maaaring dumaan sa isang junciton kahit na ang traffic light ay kulay berde, kung namalayan ng nasabing drayber ma, sanhi ng mga kondisyon sa trapiko, hindi maaaring umalis mula sa junction bago mag-berde ang traffic light para makatawid sa trapiko.


Mga Seksyon

Section 18. Pag-iikot, pagpapaatras at pagbabago ng mga lane, atbp.

Bago lumiko o umatras, kailangang tiyakin ng drayber na ang manobre ay magagawa nang hindi naisasapanganib o hindi nagdudulot ng sagabal sa iba. Ang pagliliko ay dapat gawin nang paandar nang paliko sa kaliwa, maliban na lang kung batay sa mga kondisyon ay hindi ito pinapahintulutan.

Item 2. Bago lumipat sa dulo ng kalsada, sa pamamagitan ng pagbabago ng lane o iba pang pagbabago ng posisyon ng sasakyan, kailangang tiyakin ng drayber na ang manobra ay magagawa nang hindi nagiging isang peligro o di kinakailangang sagabal sa iba. Ang parehong tuntunin ay ipinapataw kapag gustong huminto o mabilisang bagalan ng drayber ang kaniyang pagmamaneho.

Item 3. Sa acceleration lane (lane kung saan makakapagpatakbo nang mabilis), kailangang i-angkop ng drayber ang tulin ayon sa trapiko sa lane, na dapat gamitin habang patuloy na nagmamaneho at umalis sa acceleration lane kung ito ay magagawa nang hindi nagdudulot ng peligro o di kinakailangang sagabal sa iba. Ang mga drayber sa lane na papasukan ng sasakyan sa accelaration lane ay dapat, kung kinakailangan, mapadali ang paglalabas mula sa acceleration lane sa pamamagitan ng pagbabawas ng tulin.

Item 4. Kung saan ang bilang ng mga lane na nakareserba para sa trapikong mula sa parehong direksyon ay nabawasan, dapat i-angkop ng mga drayber ang kanilang pagmamaneho ayon sa mga binagong kondisyon habang isinasaalang-alang ang ibang mga sasakyan, kasama na ang posibleng pagbabago ng tulin. Ang parehong tuntunin ay gagamitin sa pagsasanib ng dalawang lane.

Item 5. Ang deceleration lane (Lane kung saan mapapabagal ang takbo) ay dapat gamitin agad sa umpisa ng lane. Ang parehong tuntunin sa mga lane na naka-reserba para sa ilang uri ng trapiko, at pati na rin ang mga lane na ginagamit sa pagliliko.

Section 95. Mga ordinaryong regulasyon sa pagmamarka

Tinitiyak ng Minister of Transport ang mga regulasyon sa disenyo at mga kahulungan ng:

  1. mga senyas trapiko,
  2. mga marka o guhit sa kalsada,
  3. mga traffic light at
  4. iba pang mga marka o balangkas sa kalsada mismo o sa tabi nito para sa pagbibigay ng regulasyon o bilang gabay sa trapiko.
    Item 2. Ang mga tuntunin sa trapiko ay maaaring maiba sa pamamagitan ng pagmamarka ayon sa item 1.
    Item 3. Pinagpapasyahan rin ng Minister of Transport ang paggamit ng marka sa section 1, kasama ang pagkuha ng pahintulot mula sa pulis.
    Item 4. Maaaring pagpasyahan ng Minister of Transport na ang mga teknikal na tuntunin at standard hinggil sa pagmamarka ay inihahanda bilang kaugnayan sa mga regulasyon sa kalsada na tiniyak ng Minister of Transport.

Absolute duty to give way (Ganap na tungkuling magbigay daan)

Ipinapahiwatig sa karatula na ang mga motorista na nagmamaneho papasok o patawid sa kalsada ay may tungkuling magbigay daan sa gumagalaw na trapiko mula sa parehong panig (ganap na tungkuling magbigay daan). Ang karatulang ito ay karaniwang ginagamit bilang koneksyon sa S 11 Give Way Line (Linya para Magbigay Daan).

Bilang kombinasyon sa mga plate na, U 1 at UB 11.1, na nasa ibaba ng mga karatula, ang karatula ay ginagamit bilang babala sa B 11 at B 13. Sa ibaba ng B 11, ang D 12 na sapilitang direksyon ng trapiko sa isang karatula ng rotonda, ay maaaring ikabit.


Stop (Huminto)

Ipinapahiwatig ng karatula na ang mga motorista ay may ganap na tungkulin na magbigay daan at kailangang huminto bago magmaneho sa isang junction o bago dumaan sa ibabaw ng isang riles ng tren. Sa isang junction, ang mga siklista at drayber ng maliliit na mga moped na legal na gumagamit ng cycle track ay, gayunman, makakakanan sa may cycle track sa may kanang bahagi ng interseksyon nang hindi humihinto, kung ito ay magagawa nang hindi nakakagambala sa iba pang mga gumagamit ng daan. Para sa mga riles ng tren, ang karatula ay nakakabit sa ibaba ng A 74 Level crossing na karatula. Ang karatula ay karaniwang ginagamit bilang koneksyon sa S 13 Stop Line (Linya sa Paghinto), basahin ang Section 55.


Maghanda para sa theory test

Mga online theory test

Ikaw ay magkakaroon ng mga access sa higit sa 1,000 opsyon ng multiple choice. Ang aming mga theory test ay sinubukan sa higit sa 140 mga estudyante bago namin ito inilunsad. Ang lahat ay pumasa sa unang pagsubok.

Mga obligasyon sa mga pedestrian

Ang mga drayber na nahaharap o dumaan sa mga pedestrian ay dapat na magbigay ng panahon sa pedestrian na makakilos papunta sa tabi at, bigyan rin ng nararapat na espasyo ang mga ito sa kalsada.

Ang mga drayber na dumadaan sa ibabaw ng isang kalsada o daanan ng pedestrian, o nagmamaneho ng isang sasakyan papunta sa isang lane na nanggagaling sa isang labasan ng ari-arian sa may tabi ng kalsada, ay dapat magbigay daan sa mga pedestrian o naglalakad. Ang parehong tuntunin ay ginagamit sa pagmamaneho papasok o patawid sa isang kalye ng pedestrian.

Sa pagmamaneho sa isang kalye ng pedestrian, dapat makitungo nang may kamalayan at konsiderasyon ang drayber patungo sa mga pedestrian o naglalakad.

Sa isang bus stop (hintuan ng bus) o light rail stop (hintuan ng light rail) na natatagpuan sa dulo ng isang cycle track kung saan hindi makakasakay o makakababa ang mga pasahero sa isang lugar na tiyak na inilaan para sa layuning ito, ang mga siklista na nasa cycle track ay dapat magbigay daan at, kung kinakailangan, huminto para sa pagsasakay at pagbababa ng mga pasahero.

Sa pagliko sa isang junction, hindi dapat magdulot ng peligro ang mga drayber sa mga pedestrian o naglalakad na dumaan sa lane na kailangang gamitin habang patuloy sa pagmamaneho. Ginagamit ang parehong mga tuntunin sa pagmamaneho nang patawid o palayo mula sa lane papalabas ng junction.

Para sa mga pedestrian crossing sa mga lugar kung saan ang trapiko ay pinamamahalaan ng mga pulis o traffic lights, ang drayber ay dapat magbigay daan sa mga pedestrian na nasa krosing na tumatawid sa kalsada, kahit na ang pinahihiwatig sa traffic light o senyas ng pulis ay makakatawid siya sa pedestrian crossing. Kung ang nasabing pedestrian crossing ay matatagpuan sa tabi ng isang junction, makalipas na lumiko sa junction, kailangan nilang magmaneho sa pamamagitan ng isang naaangkop na mabagal na tulin sa pagmamaneho at, kung kinakailangan, huminto para mapadaan ang mga naglalakad na nasa pedestrian crossing o papatawid pa lang dito.

Sa mga drayber na papalapit sa isang pedestrian crossing na walang pulis o traffic light, kailangang i-angkop ang tulin para walang panganib o sagabal sa mga pedestrian na tumatawid o papatawid pa lang. Kung kinakailangan, kailangan huminto ang drayber para maparaan ang mga pedestrian.

Sa malayo pa lang, kailangang iwasan ng mga drayber na ihinto ang sasakyan sa pedestrian crossing.